Kung si Kathryn, may Alden… DANIEL, UMAMING MAY IBANG BABAE NA RIN
- BULGAR

- Mar 26, 2019
- 1 min read

MAGKASAMANG dumating at umalis sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa katatapos lamang na 50th GMMSF (Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation) Box Office Entertainment Awards na ginanap last Sunday sa Star Theater sa CCP Complex.
Base sa nakita naming videos na kuha ng mga bloggers, ang sweet-sweet pa rin ng KathNiel, isang malinaw na katibayan na hindi talaga totoong break na sila.
Makikita sa video na overprotective pa rin si Daniel sa girlfriend at laging nakaalalay sa paglalakad, pagsama at pagbaba sa stage.
Ang KathNiel ang ginawarang Phenomenal Stars para sa pelikulang The Hows of Us. Ang naturang pelikula rin ang recipient ng Golden Jury Award for being the Highest Grossing Film of All Time with almost P800 M local gross sales.
Sa labas ay nakapanayam ng media ang dalawa na masayang-masaya sa natanggap na award. Nagbigay ng update si Kathryn sa movie nila ni Alden Richards at aniya ay nag-look test na sila.
Si Daniel naman ay natanong kung totoong gagawa ng movie with Charo Santos at sey niya, in the works daw ito.
“Meron, in the works, pero it’s not yet final, you know,” he said.
But of course, very excited daw siya na matuloy ito.
“Very excited siyempre. ‘Yung bossing natin, excited akong makatrabaho at kung sakaling matuloy, makulit ‘yung gagawin namin,” sabi ni Daniel.





Comments