Hirit ng Comelec | PANGANGAMPANYA SA TEXT, PUWEDE
- Madel Moratillo
- Mar 26, 2019
- 1 min read

AMINADO ang Commission on Elections (Comelec) na walang polisiya na nagbabawal sa paggamit ng mobile number o text messages sa pangangampanya.
Paliwanag ni Comelec Spokesperson James Jimenez, sa umiiral na batas ay hindi ipinagbabawal ang ganu’ng estilo ng pangangampanya.
“Walang pagbabawal sa paggamit ng mobile number/SMS sa pangangampanya,” pahayag ni Jimenez sa kanyang Twitter account.
Gayunman, payo ni Jimenez sa publiko, mabuting i-report ang mga ito sa National Telecommunications Commission (NTC) dahil puwede aniya itong maituring na paglabag sa anti-spamming regulations.
Nauna nang sinabi ng Comelec na maliban sa text messages, wala rin sa batas na nagbabawal sa paggamit ng social media sa pangangampanya ng mga kandidato.





Comments