top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Drug den ni-raid, 11 huli

  • Maeng Santos
  • Mar 26, 2019
  • 1 min read

TIMBOG ang 11 hini­hinalang sangkot sa iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakabuwag ng si­nasabing drug den sa Valen­zuela City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Valenzuela Po­lice Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay, alas-12:30 ng tanghali nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni PCI Jowilouie Bilaro ang buy-bust operation kontra kina Shirley Morales, 44; Sal­vador Bajaro, 49, at Michael Quizon, 37, sa Sia Compd., Lamesa St., Bgy. Ugong ma­tapos ang natang­gap na ulat ng pulisya hinggil sa pag­bebenta ng mga ito ng ili­gal na droga sa naturang lugar.

Matapos iabot ng mga suspek ang sachet ng shabu kay PO1 Dumaquita na nag­panggap na poseur-buyer kapalit ng P300 marked mo­ney, agad lumusob ang back-up na mga operatiba saka si­nunggaban ang tatlo.

Narekober sa mga sus­pek ang apat pang sachets na naglalaman ng hinihina­lang shabu at buy-bust mo­ney.

Habang inaresto rin sina Sonia Dangilan, 45; Cezar­son de Chavez, 33; Dinnes Limsia, 23; Reynald Tibal­cia, 19; Mark Dave Alvaro, 21; Aaran Jhan Sia, 19; Christian Jorge Candela, 27, at Richard dela Cruz, 22, matapos ma­aktuhang sumi­singhot ng shabu sa loob ng bahay ng mag-live-in part­ner na sina Bajaro at Dangi­lan sa natu­rang lugar na umano’y gi­nagawang drug den.

Ani SPO4 Armin Garcia, narekober sa lugar ang isang sachet ng hinihinalang sha­bu, ilang drug parapher­nalias at sachet ng shabu na naku­ha kay De Chavez.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page