top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BIR revenue officer, 2 bebot timbog sa pangingikil

  • Mylene Alfonso
  • Mar 26, 2019
  • 1 min read

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Anti Graft Division (NBI-AGD) at Counter Terrorism Division (CTD), ang isang Revenue Officer ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at dalawang babae matapos ang ginawang pangingikil sa isang negosyante, kamakailan sa Plaridel, Bulacan.

Nasa kustodiya ng NBI, ang suspek na sina Reynaldo Lojuco, Revenue Officer II ng BIR-Dist. 25 A, Plaridel, Bulacan; Shiela Marie Santiago at Kim Bernadeth Carino.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o kilala bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, direct bribery and robbery extortion ang mga suspek.

Batay sa imbestigasyon, nadakip ang mga suspek noong Marso 21 sa entrapment operation sa Plaridel, Bulacan matapos tanggapin ang P100,000 marked money mula sa hindi pinangalanang complainant.

Una rito, tinangka umano ni Lujoco na kikilan ng P300,000 ang biktima kapalit ng hindi na pagbuhay sa kaso nitong tax evasion na probisyunal na idinismiss, kamakailan ng Caloocan Metropolitan Trial Court Branch 50.

Ayon kay NBI Asst. Director for Intelligence Service Eric Distor, tinakot umano ni Lujoco, ang biktima na bubuhaying muli ang kanyang tatlong kaso kapag hindi nagbigay ng pera.

Pinresyuhan umano ng suspek na bayaran ng tig-P100,000 sa loob ng tatlong buwan ang hinihingi niyang P300,000 at nagkasundo na personal itong iaabot kay Lujoco.

Agad naman inaresto ng NBI si Lujoco at dalawang babae na kasama nito sa transaksiyon makaraang tanggapin ang marked money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page