top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Biglang hinablot sa tiyahin | LALAKI TIMBOG SA PAGDUKOT SA 2-ANYOS

Maeng Santos
Mar 26, 2019
1 min read

KALABOSO ang isang lalaki matapos tangkaing ta­ngayin ang 2-anyos na ba­bae sa Navotas City kama­ka­lawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas Po­lice Chief Sr. Supt. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Atoy Reyes, 27, ng Malabon City.

Ayon sa ulat, alas-9:00 ng gabi, kasama ng kanyang tiyahin na si Angelica Leo­na, 23, ang 2-anyos na bik­tima sa harap ng Navotas Amphitheater sa C-4 Road nang bigla na lamang lapi­tan ng suspek at sapilitang hi­nablot ang bata saka tinangay papalayo sa tiyahin nito.

Nasaksihan ang insidente ni Mary Jane Satur, 19, ng Bgy. North Bay Boulevard North (NBBN) na agad hu­mingi ng tulong kasama ang ama ng bata sa mga baran­gay tanod.

Hinabol ng mga baran­gay tanod ang suspek hang­gang sa makorner at ma­ares­to sa loob ng pampa­sa­herong jeep habang nabawi naman at naibalik sa kanyang pa­milya ang biktima.

Ani Sr. Supt. Balasabas, nagbaliw-baliwan pa ang sus­pek upang hindi masam­pahan ng kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page