5 seconds rule, drinking in public water fountain, touching your face etc... MGA BAGAY NA NAKASANAYA
- Jersey Sanchez
- Mar 26, 2019
- 2 min read

MULA sa paggamit ng antibacterial products hanggang sa regular na pag-inom ng vitamins at supplements — ilan lamang ito sa mga bagay na nakasanayan na nating gawin dahil sa paniniwalang nakatutulong ito upang hindi tayo basta-bastang dapuan ng sakit. Pero, ayon sa mga eksperto, imbes na makatulong ang mga nakasanayan nating ito ay maaari pa itong makapagpataas ng tsansa na makakuha tayo ng iba’t ibang sakit. Hala!
1. 5 SECONDS RULE. Marami ang naniniwala rito dahil hindi pa umano marumi ang pagkain sa loob ng limang segundo mula nang mahulog ito. Pero, ayon sa mga eksperto, hindi ito magandang makasanayan, lalo na kung ang pagkain ay direktang nahulog sa sahig. Gayundin, mas mataas umano ang tsansa na makain ang bakterya mula sa sahig. Eww!
2. TAKING TOO MANY VITAMINS & SUPPLEMENTS. Bagama’t, mabuting uminom ng vitamins at supplements, ang labis na pag-inom nito ay maaari umanong magdulot ng pangmatagalang epekto sa ating katawan. Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto na bago uminom ng regular na mga vitamin at supplement, mabuting hingin ang opinyon ng doktor dahil sila ang nakaaalam ng dosage na kakailanganin mo kada araw.
3. WASHING WITH ANTIBACTERIAL SOAP. Ang paggamit ng antibacterial soap ay maganda kung ikaw ay nasa ‘germy environment’ o may mahinang immune system. Mayroon umanong 500 uri ng good bacteria na nagko-contribute sa immune defenses. Ngunit, ang regular na paggamit ng antibacterial soap ay nagpapababa ng vital immune safety net kung saan ito ang nagpapataas ng tsansa na makakuha ng sakit ang indibidwal.
4. DRINKING OUT OF PUBLIC DRINKING FOUNTAINS. Hindi natin maitatangging malaki ang tulong na naibibigay ng public drinking fountains sa mga pasyalan, paaralan at iba pa. Pero, sey ng experts, may disadvantages din ito kung hindi ito nagagamit nang tama dahil malaki ang posibilidad na maipasa sa iba ang virus mula sa ibang indibidwal na direktang umiinom mula rito.
Gayunman, inirerekomenda ng mga eksperto ang pagdadala ng reusable bottle na may tubig upang du’n na lamang uminom.
5. TOUCHING YOUR FACE. Ayon sa mga eksperto, ang paghawak sa mukha ay nakapagpapataas ng tsansa na mailipat ang germs sa ilong at bibig. Gayundin, ito umano ang pangunahing paraan para makapasok sa katawan ang mga germs. Inirerekomenda ng mga eksperto na kaagad maghugas ng mga kamay pagkatapos humawak sa cellphone, doorknob, keyboard at pera upang maiwasan ang pagkalat ng bakterya sa katawan.
For sure, ilan sa mga gawaing nabanggit ay ginagawa natin paminsan-minsan, lalo na ‘yung 5 seconds rule.
Uy, aminin! Ha-ha-ha! Kidding aside, upang makaiwas sa sakit, siguraduhing babawasan ang madalas na paggawa ng mga nabanggit na gawain.
Okie?





Comments