3 tulak, utas sa parak

DEAD-ON-THE SPOT ang tatlong hinihinalang tulak ng shabu makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa City of San Jose del Monte, Bulacan, madaling-araw ng Lunes.
Kinilala ang mga suspek na sina Geoffrey Villarey, residente ng Bgy. Minuyan Uno, nasa drug watchlist ng PDEA; Arvin Lope at isang hindi pa nakikilala.
Ayon kay City of San Jose del Monte Police Office Director Supt. Orlando Castil, Jr., ala-1:40 ng madaling-araw nang magkasa ng operasyon ang CSJDM Police Station Drug Enforcement Unit sa Towerville, Bgy. Minuyan Proper.
Matapos magkaabutan, nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon at agad bumunot ng baril saka pinaputukan ang dalawang undercover police.
Bumuwelta naman ang mga pulis sa mga suspek na naging dahilan ng kanilang kamatayan.
Nakuha sa lugar ng engkuwentro ang tatlong .38 baril at dalawang motorsiklong gamit umano sa kanilang pagtutulak ng iligal na droga.





Comments