top of page
Pokwang.jpg

Sa katapusan ng Abril | ANGAT DAM, PAPALO SA CRITICAL LEVEL

V. Reyes
Mar 25, 2019
1 min read

POSIBLENG pumalo sa kritikal na antas ang tubig sa Angat Dam sa katapusan ng Abril.

Ayon kay PAGASA Hy­drologist Danny Flores, kung pagbabatayan ang araw-araw na pagbaba ng water level sa Angat Dam at walang dumarating na pag-ulan, patuloy na mababawasan ang tubig.

“Kinukuwenta natin, aabutin siya ng mga halos katapusan pa ng Abril. Ba­baba siya roon sa kanyang critical level,” ani Flores.

Mula nang ideklara ang panahon ng tag-init, patuloy na bumubulusok ang water level ng Angat Dam.

Kahapon, umaabot na sa 195.91 meters ang antas ng tubig sa dam na mas maba­ba sa normal high water level na 212 meters.

Siyamnapu’t anim na porsiyento ng tubig sa Metro Manila ang isinusuplay ng Angat Dam.

Maliban sa pagpasok ng tag-init, kasalukuyan ding na­raranasan ang El Niño phe­nomenon na lalong mag­papatindi ng mainit na pa­nahon sa maraming lugar sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page