Pulis pinagbabaril ng riding-in-tandem, dedo
- Maeng Santos
- Mar 25, 2019
- 1 min read

DEDO ang isang pulis matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang ang biktima ay namamahala sa kanilang tindahan sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Dead-on-arrival sa Quezon City General Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan si PO2 Cris Robert Castro, 31, nakatalaga sa Caloocan City Police at residente ng Bgy. 175. Batay sa ulat, alas-4:30 ng hapon, nasa loob ng kanilang sari-sari store ang biktima nang dumating ang motorsiklo sakay ang dalawang hindi kilalang suspek.
Bumaba ang isa sa mga ito at nagpanggap na kustomer saka pinagbabaril sa katawan ang biktima bago nagsitakas ang mga suspek.
Agad namang isinugod ng kanyang mga kaanak ang biktima sa naturang pagamutan habang patuloy ang follow-up investigation sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek.
Inaalam na rin ng mga pulis ang motibo sa pamamaril sa biktima.





Comments