PRINGLE NG BATANG PIER, NILUNOD ANG TNT NI CASTRO


KINALSUHAN ng NorthPort Batang Pier ang kanilang six-game skid matapos nilang pigilin ang TNT KaTropa 109-83 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.
Kumayod si point guard Stanley Pringle ng 27 points at siyam na rebounds upang bigyan pa ng pag-asa ang Batang Pier na makahirit ng laro sa eight-team quarterfinals.
Kumana si Sean Anthony ng 14 markers, pitong rebounds at apat na assists para sa NorthPort na may 3-6 karta habang bumakas sina Moala Tautuaa at Paolo Taha ng tig -13 puntos.
May dalawang natitira pang laro ang Batang Pier, kailangan nilang ipanalo lahat upang magkaroon ng tsansa sa inaasam na makapasok sa Magic 8 pagkatapos ng 12-team single round robin.
Bumira si Don Trillano ng 15 pts. at pitong boards para sa KaTropa na natuldukan ang kanilang five-game winning streak, nalasap nila ang pang-apat na talo sa 11 laro.
Ipinaramdam agad ng Batang Pier ang kanilang determinasyong manalo matapos hawakan ang 22-point lead, 53-31 sa halftime.
Nakalamang ng malaki ang NorthPort nang harurutin nila ang 31-15 sa second canto.
Sa third quarter, hindi nagpabaya ang Batang Pier sinabayan nila sa opensa ang KaTropa upang manatili sa kanila ang malaking bentahe, 82-61 papasok ng fourth.
Hindi na pinaporma ng NorthPort ang TNT sa payoff period, lalo pa nilang pinaalagwa ang kanilang lamang para masiguro ang panalo.
Mga laro sa Miyerkules: (Araneta Coliseum) 4:30 p.m. - Alaska vs NorthPort 7:0 p.m. - Bgy. Ginebra vs Meralco





Comments