top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Plataporma ng mga kandidato, pare-pareho, nakatotorete!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2019
2 min read

LAHAT ng kandidato ay halos pare-pareho ang plataporma.

Kontra sila sa ko­rup­siyon at kriminali­dad; tulong sa kalusugan ng mamamayan, tulong sa mga obrero, magsasaka at iba pa.

Nakatotorete na ang kampanya!

◘◘◘

NAKATUON lang sa national government ang responsibilidad, pero mas malaki ang ginagampanang papel ng Local Government Units (LGUs) sa ka­ayusan ng lahat.

Kapag korup ang national agencies, marami ring LGUs ang korup!

◘◘◘

NATUTUWA tayo sa sinimulan ni dating DILG Secretary Jesse Robredo (SLN) na pag­kaka­loob ng ‘seal of good governance’ sa LGUs, pero pinagdudu­da­han na rin ang kredibilidad nito.

Kasi maraming LGUs ang mayroong kaduda-dudang transaksiyong-pinansiyal, pero napag­kalooban ng naturang “selyo” ng kaayusan.

Magkano kaya?

◘◘◘

SA totoo lang, transparency ang mas ta­mang sistema upang mawala ang korupsiyon.

Dapat iulat sa ta­um­bayan ang espesi­pikong transaksiyon ng LGUs!

◘◘◘

KARANIWANG target ng korupsiyon ang general fund at special educational fund na pinangangasiwaan ng school board.

Wala itong pagkaka­iba sa “road board” na binuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaduda-duda pa rin ang mga transak­si­yon ng school board dahil ang may kontrol din nito ay ang LGU executives!

◘◘◘

ISANG halimbawa rito ang hindi malinaw na gugugulin ng Lung­sod ng Malabon kung saan ibinunyag mismo ng Commission on Audit (COA) na dispaling­hado ang iginugol noong 2012.

Nakalaan lang da­pat ang special education fund (SEF) na halos isang bilyong piso para sa operas­yon ng public school, pero pinakiala­man ito!

◘◘◘

GINAMIT kasi ang SEF sa suweldo ng mga guro na dapat nagmu­mula sa taunang general fund.

Pero, sa kabila nito, minarkahan pa rin umano ng “seal” ng DILG ang natu­rang transaksiyon!

◘◘◘

KUNG iingatan lang ng COA ang gugugulin sa mga LGU, trilyun-trilyong piso ang masa­sagip sa korupsiyon.

Dapat bigyan ng dagdag-kapangyari­han ang COA na ma­ipatupad ang tamang regulasyon!

◘◘◘

MARAMI ring cash advance ang hindi naili-liquidate sa city hall, pero kinukunsinte ito ng mga government auditor.

Dapat magkaroon ng mahigpit na batas kaug­nay sa “cash advances” at dapat ma­sus­pinde o matanggal sa puwesto ang mga gumastos ng pondo ng bayan nang “walang maayos na resibo o dokumento!

◘◘◘

WALANG maayos na transaction records ang disbursement at collections mula Hulyo hanggang Disyembre noong 2012 sa Mala­bon.

Dapat itong ipali­wanag ng city executives at ilagay sa mga dokumento para mai­balanse ang halos P1 bilyong transaksiyon sa naturang panahon!

◘◘◘

SINASABING magulo rin ang records ng physical count sa property, plant and equipment sa Malabon sa naturang taon.

Mahalagang maka­­pagbigay ng paliwanag dito ang mga kinauuku­lan pa­ra makalmante ang mamamayan!

◘◘◘

INABISO na ang pagkatuyot ng Angat Dam sa katapusan ng Abril.

Nananakot na na­man kayo!

◘◘◘

MALABO raw ang cloud seeding.

Hindi raw ito puwe­de kapag walang ulap.

Ngek!

◘◘◘

GAGASTOS ng milyun-milyong piso sa cloud seeding, pero ang ulan ay maaaring bumagsak sa Vietnam.

He-he-he!

◘◘◘

IMBES na mangga­ling ang tubig mula sa kalawakan, bakit hindi magbaon ng deepwell sa mga lugar na tatamaan ng tagtuyot?

Simpleng solusyon lang ‘yan, pero hindi ginagawa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page