PDEA: Death penalty, sagot sa drug trafficking at smuggling sa bansa!

“WALANG katapusan ang drug trafficking at smuggling hangga’t walang death penalty na umiiral sa bansa”.
Ito ang pinaniniwalaan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino dahil sa bilyong halaga ng mga iligal na droga na ipinupuslit ng mga banyaga papasok ng bansa.
Kung saan imbes na matigil ang paglaganap ng iligal na droga ay patuloy pa rin itong kumakalat at sumisira sa buhay ng bawat isa.
Alam nating lahat na ang iligal na droga ang dahilan kaya nawawala sa katinuan ang ilang mamamayan na nakagagawa ng kasamaan tulad ng pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw at marami pang iba.
Pero, ang tanong, tama ba na sa mga ginagawa nilang ito ay buhay din ang kunin sa kanila?
Marahil, marami ang malilito, may magsasabi ng oo at hindi, pero nakasalalay pa rin naman ito sa gobyerno, lalo na at karamihan sa mga banyaga ay may kakayahan umano na magbayad sa mga judge, prosecutor at law enforcer para ang mga nahuling indibidwal ay ma-deport pabalik sa kanilang bansa.
Dagdag pa rito, wala na umanong takot ang mga miyembro ng sindikato na magpuslit ng iligal na droga dahil alam nila na kayang-kaya rin nilang makalaya.
Hays!
Kaya naman ang panawagan natin sa mga kinauukulan, partikular na ang Bureau of Customs (BOC), dobleng paghihigpit pa ang kailangan, huwag hayaang makalusot ang mga ‘yan!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments