Mukhang anghel, pero ibang-iba sa totoong buhay… FEMALE CELEB, MABAIT AT GENEROUS KUNO PERO DEMONYIT
Blind Item:
MARAMING anecdotes tungkol sa isang female celebrity na ang pagkakilala ng mga tao sa kanyang paligid ay sweet, mabait at mapagkawanggawa.
May mga pumupuri kasi sa nasabing female celebrity na tumutulong daw sa mga taong nangangailangan. Ilan sa kanila ay mga entertainment writers na naging kaibigan niya noong nagsisimula pa lamang siyang mag-artista.
Meron pa raw tinutulungang estudyante ang female celebrity na pinagtatapos niya sa pag-aaral. Meron naman daw siyang tinulungan na mga maysakit na kanyang ipinagamot.
Pero sa kabila ng mga ganitong kuwento ng kabutihan diumano ng magandang celebrity, eh, marami ang nagdududa at nagsasabing peke at hindi sincere ang ipinakikita niyang kabaitan.
Sa likod ng kanyang mala-santong imahe, eh, nakatago ang pagiging monster lalo na kapag nasa bad mood siya at wala sa huwisyo.
Marami na rin ang makakapagpatunay sa hindi kagandahang pag-uugali ng female celebrity. Mismong ang taong tumulong noon sa kanya upang magkaroon siya ng puwang sa showbiz, eh, kanyang nilait-lait, tinarayan at sinigaw-sigawan!
Indeed, doble ang personalidad ng magandang female celeb.





Comments