top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mag-live-in partner, todas sa riding-in-tandem

Jeff Tumbado
Mar 25, 2019
1 min read

DEAD-ON-THE-SPOT ang mag-live-in partner makaraang pagbabarilin ng armadong lalaki na sakay ng motorsiklo sa Bgy. Tabunok, Talisay City, Cebu, Linggo ng madaling-araw.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Felix Yaris, 30, at Carol Dixie Bacalso, 30, naninirahan sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PO3 Glenn Besande ng Talisay City Police Station, naganap ang pamamaril alas-4:00 ng madaling-araw habang binabagtas ng mga biktima na sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng R. Rabaya St. sa Sitio Lansiawan nang sundan ng motorsiklo at nang makatiyempo ay dito na pinagbabaril ang mga biktima.

Ayon kay Besande, binalikan pa ng isa sa mga suspek ang mga biktima at pinagbabaril saka nagsitakas.

Natagpuan ng SOCO sa lugar ang siyam piraso ng basyo ng bala mula sa .45 baril habang nangangalap pa ng footage sa CCTV sa paligid ng mga gusali upang makatulong sa pagtukoy sa mga suspek.

Ayon kay Chief Inspector Ardioleto Cabagnot, deputy police chief ng Talisay City, kasama sa anggulong tinitingnan nila ay kalakalan sa iligal na droga o personal na alitan.

Una umanong nasangkot ang lalaking biktima sa isang gulo dahil sa umano’y onsehan sa droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page