top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Liza, Julia at Yassi, itinaob… KATHRYN, WAGING FAVORITE TRENDING PINOY ARTIST NG NICKELODEON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 25, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

WAGI ang ak­tres na si Kathryn Bernardo bilang Favorite Trending Pi­noy Artist sa Nick­elodeon’s Kids’ Choice Awards at tinalo sina Liza Soberano, Julia Barretto at Yassi Pressman na nominado rin sa nabang­git na award.

Sa open letter na inilabas ni Kathryn sa isang magazine titled “Confessions of a Former Teen Queen: An Open Letter by Kathryn Bernardo”, ikinu­wento niya ang hirap na kanyang pinagda­anan noong nagsisimula pa lamang sa mundo ng showbiz.

Ayon kay Kathryn, bumibiyahe siya nang mahigit apat na oras mula sa Cabanatuan papuntang Manila para dumalo sa iba’t ibang casting call, audition at VTR na kanyang sinasalihan, kung saan mas matagal pa ang gi­nugugol niya sa biyahe kesa sa auditions na kanyang ginagawa.

Inamin din ni Kathryn na pi­nagdudahan niya noong una ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagiging morena na baka maging dahilan para hindi siya mapili sa mga roles na kanyang sinusubukan dati dahil hindi siya kasingtisay ng mga babaeng kanyang nakakasabay sa mga auditions.

Sa kabila ng mga failures at rejections na nakuha ng aktres noong nagsisimula pa lamang, hindi siya sumuko agad hanggang sa maka­kuha na ng magagandang roles.

Nakilala si Kathryn sa pagganap sa role na Mara sa teleseryeng Mara Clara, na unang ginampanan ni Judy Ann Santos sa original version.

Matapos ang kanyang unang serye, sunud-sunod na ang mga pelikula at seryeng ginawa ni Kathryn tulad ng Pangako sa ‘Yo, kung saan ay naging ka-love team niya ang aktor na si Daniel Padilla. Sumikat ang kanilang love team at binansagan silang Teen Queen at King ng ‘Pinas.

Nagsama sila sa mga blockbuster films na Must Be Love, She’s Dating the Gangster, Can’t Help Falling in Love, Barcelona, Crazy Beautiful You at The Hows of Us.

Pero ngayong 2019, napagde­sisyunan nina Kathryn at Daniel na hindi muna sila gagawa ng pelikula o serye para mas mag-grow ang ka­nilang career bilang artista.

Ang Pambansang Bae na si Alden Richards ang bagong leading man sa ngayon ni Kathryn at nakatakda na silang mag-shooting sa Hong Kong sa darating na Abril.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page