top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Insecure noon, tanggap na ngayon dahil bagay sa face niya… JANELLA, NAGSALITA NA SA PAGPAPARETOKE RA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2019
1 min read

''IN love ako sa sarili ko ngayon. Wow!” kasunod ang matamis na tawa ni Janella Salvador nu’ng makausap namin sa launch ng kanyang bagong single na Take It Easy.

Wala raw siyang karelasyon kahit medyo matagal nang nabalita ang breakup nila ng kanyang kalabtim na si Elmo Magalona. Pero sa ganda ngayon ni Janella, tiyak na marami ang maiinlab sa kanya.

“No, no, no. I’m not ready yet,” pag-iwas niya. “Kung matatagalan pa? We’ll see. Kung may dumating, eh, di may darating.”

Bukod sa mas gumanda si Janella, ang husay-husay na rin niyang sumagot sa mga tanong during the digital conference. Obvious na nag-mature na siya. Tiyak na napakarami niyang natutunan sa naging relasyon nila ni Elmo.

Inamin din ni Janella sa digicon na she used to feel insecure about her nose.

“It’s normal to feel insecure. And, dati I used to be insecure about siguro my nose. Pero ngayon, hindi na talaga. Tanggap ko na kasi. This is what the real me. This is bagay sa face ko. Eto na talaga. Kilala na po this face and I just, might as well confident na rin,” esplika pa niya.

Marami nga raw ang nag-akala na ipinaayos ni Janella ang kanyang ilong. It’s not true, ayon sa singer-actress.

“Excuse me,” diin niya. “Ganyan-ganyanin ko pa sa harapan ninyo,” sabay pisil at galaw niya sa kanyang ilong.

Sabi pa niya, “I felt insecure about it pero I never did anything.”

‘Yun na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page