Final answer, never nang makikipagbati sa utol… SIGAW NI GRETCHEN: MARJORIE, LASON SA BUHAY KO!

Nitz Miralles / BIDA

SA interview ni MJ Felipe kay Gretchen Barretto sa DZMM, tinuldukan na nito ang tsansang magkakabati pa sila ng kapatid niyang si Marjorie Barretto.
“May kasabihan na never say never. Pero kay Marjorie, allow me, gusto kong sabihin “never.” I value my life, my peace and my finances. I am not ready for Marjorie. She has been so toxic in my life,” sagot ni Gretchen.
At the same time, pinupuri si Marjorie ng mga netizens sa pananahimik sa isyu nila ni Gretchen. Ang payo sa kanya ay mag-focus sa paghahanda sa kasal ng anak na si Dani Barretto sa fiance nitong si Xavi Panlileo na malapit na malapit na yata.





Comments