Driver na pusher dedbol
NUEVA ECIJA—Isang driver na drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Sampaloc, Talavera sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Akihiko Numakura, alyas Hapon, residente ng Bgy. Pinagpanaan sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nahalata umano ni Numakura na mga pulis ang katransaksiyon nito sa bentahan ng droga kaya binaril nito ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments