top of page
LET’S SEE - AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAM

Batang tuwang-tuwa sa apoy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 25, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Reziel ng Reziel_Labarenio@face-book.com

Dear Professor,

Nanaginip ako tungkol sa bata na nasa edad 3 ha­ng­gang 4, inilagay ko raw siya sa apoy at sabi ko, ri­yan ka lang tutal hindi ka naman masusunog, pero ‘yung bata ay relaks na relaks lang na naka­patong sa apoy.

Sana, masagot ninyo ito.

Salamat!

Naghihintay,

Reziel

Sa iyo Reziel,

Ang bata na 3 to 4 years old sa panaginip mo ay ikaw mismo. Ibig sabihin, inilala­rawan ng bata ang iyong sa­rili.

Pero, bakit ka nasa apoy? Ito ay dahil makararanas ka ng tinatawag na baptismal by fire kung saan ang tao ay su­subukan kung siya ba ay ma­ta­­tag, matibay at may ma­la­kas na tiwala sa kanyang sarili.

Ang payo ng panaginip mo, kapag napalaban ka sa matitinding pagsubok sa bu­hay ay “stay calm, just relax.”

Dahil hindi dapat mag-panic ang tao sa anumang sitwasyon na kanyang kina­haharap, lalo na kung ang mga ito ay mabibigat na pu­wedeng sumira sa kanyang buhay o kapalaran.

Sabi rin ng iyong pana­ginip, tularan mo ang bata na walang kinatatakutan dahil ang bata, kaya lang naman, may kinatatakutan ay dahil tinatakot ng matatanda.

Halimbawa, sasabihin nilang may multo, aswang at kung anu-ano pa ang ipi­nasok sa isip ng bata ng ma­tatanda na sa kanyang pag­laki ay nakaaapekto sa kan­yang personalidad na ma­kikitang siya ay duwag at na­tatakot na harapin ang mga hamon ng kapalaran.

Muli, “stay calm, just re­lax and don’t worry” sa mga pagsubok na iyong makaha­harap.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page