4 YR. OLD & ABOVE LOCAL STAKES RACE

NAKATAKDANG bitawan ang 2019 PHILRACOM “4 Year Old & Above Local Stakes Race” sa Abril 14 sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Tatawirin ang 1,400 meters at may nakalaan na papremyong P500,000. Sa unang apat na makatatawid sa finish line.
Ayon sa PHILRACOM, pagkakalooban ng P300,000 ang tatanghaling kampeon, mapupunta ang halagang P112,500 sa 2nd place, tatanggap ng P62,500 sa 3rd place at tatanggap ng P25,000 sa 4th place. Tatanggap ng P15,000 ang breeder ng mananalong kabayo.
Ang nomination ay gagawin sa Marso 26 na may kabayaran na P2,500 bawat kabayo na isasali sa nasabing karera at ang declaration ay isasagawa sa Abril 8 na may kabayaran na P5,000.
Kasabay nito, umarangkada ang 12th “Manila Horsepower Organization, Inc. Racing Festival” kahapon sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Nagtagumpay ang Apollo of Aquila sa Race 1 laban kay Twilight Ingrid sa NPJAI Trophy Race. Nagwagi ang Silver King laban sa Don Anton sa Race 2. Walang kahirap-hirap na nilampasan ng mag-couple entry na Rockstar Show at Gentleman Jim ang mga kalaban sa Race 3.
Naging matagumpay ang idinaos na pakarera ng Manila Horsepower na masasabing may kahirapang pumili ng kalahok.





Comments