top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

273 lumabag sa mga ordinansa sa Metro Manila

  • Gina Plenago
  • Mar 25, 2019
  • 1 min read

TINATAYANG aabot sa 273 katao ang hinuli kaugnay sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa sa katimugang Metro Manila sa nakalipas na 24-oras.

Ayon sa ulat ni Supt. Jenny Tecson, spokesperson ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng implementasyon ng mga ordinansa ang awtoridad mula sa Pasay City, Makati City, Parañaque City, Las Piñas City, Muntinlupa City, Taguig City at bayan ng Pateros, mula alas-5:00 ng madaling-araw, kamakalawa at natapos ng alas-5:00 ng madaling-araw kahapon.

Sa naturang bilang, 26 dito ang nahuling nag-iinuman sa pampublikong lugar, 75 ang naninigarilyo habang 10 ang walang damit pang-itaas at 162 menor-de-edad ang lumabag sa curfew.

Samantala, sa Taguig City, pumalo sa 123 kabataan ang dinampot dahil sa paglabag sa curfew habang wala namang naiulat na ordinance violators sa Las Piñas City at bayan ng Pateros.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page