Robin, tameme… BB, BINULLY DAHIL BAKLA, 'DI KINAYA, NAOSPITAL
- BULGAR

- Mar 24, 2019
- 1 min read

HINIHINTAY namin kung may reaksiyon si Robin Padilla sa naranasang pambu-bully na ipinost ng kapatid niyang si BB Gandanghari, pero so far ay wala pa naman siyang pahayag tungkol dito.
Knowing Robin kung gaano siya kamaka-Pilipino at galit na galit kapag naaapi ang mga Pilipino, how much more kung sarili pa niyang kapatid?
Matatandaang ini-reveal ni BB sa kanyang Instagram post last Friday ang pambu-bully na naranasan sa kanyang workplace na ikina-hospitalize pa niya base sa larawan na in-upload niya kung saan ay makikita ang kanyang wrist na may hospital tag which means naka-confine siya.
“Say NO to workplace BULLYING... What would you do when you’re transgender and your personal and professional boundaries are being violated and attacked in a work environment who claims to be a SAFE ZONE for people like me?
“My body’s a train wreck that I was advised by my doctor to pause from work as I deal with this extreme emotional distress and severe anxiety attack that’s causing my blood pressure to shoot up. So help me God,” ang caption ni BB.





Comments