top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Malinaw ayon sa palad... BEBOT NA NAKATAKDANG UMASENSO SA PAGTUTURO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 24, 2019
1 min read

KATANUNGAN

  1. Dapat na ba akong mag-shift ng course? Sa ngayon ay Engineering ang course ko, pero bu­kod sa hindi ko ito gusto ay nahihirapan na ako.

  2. Ano kaya ang ma­gandang kursong na­babagay sa akin na tiyak na makatatapos ako para matupad ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin na makata­pos sa kolehiyo?

KASAGUTAN

  1. Teacher o kaya ay Education ang dapat at ba­gay na kurso sa iyo, sa halip na Engineering, ito ang nais sabihin ng “tea­cher’s square” sa kaliwa at kanan mong palad (ar­row a.). Ito ay tanda na mas papalarin ka sa la­ra­ngan ng pagtuturo kay­sa sa pag-iinhinyero at pag­ko-compute ng kung anu-anong kumplikadong mga numero.

  2. Ang pag-aanalisang kung Engineering ang ki­nuha mong course sa ka­sa­lukuyan ay malamang na mag-shift ka nga sa pagiging guro ay madali namang kinumpirma ng Career Line o Fate Line (Drawing A. at B. F-F ar­row c.) na nagbago ng linya o nang tinatahak ni­yang direksiyon, ngunit, nakarating pa rin ito sa kanyang tiyak na desti­nas­yon – sa Bundok ng Saturno (arrow b.). Ito ay tanda na tiyak ang maga­ganap, kung magbabago ka na ng kurso sa susu­nod na pasukan, im­bes na Engineering ang kunin mo ay tu­luy-tuloy ka ng mali­lipat sa kursong Edu­­cation at sa nasa­bing la­rangan, wa­lang duda, ru’n ka na uunlad, liligaya at tu­luy-tu­loy nang mag­ta­ta­gum­pay (arrow b.).

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Nadine, tea­cher o kaya ay Education ang angkop na angkop sa iyong kurso at tulad nang nabanggit na, sa nasa­bing career o propesyon ay mag­tatagumpay ka at sa napili mong larangan, habam­buhay ka ng magi­ging ma­­ligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page