top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

LIFESAVERS, BUHAY PA REALTORS, NILUPAAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 24, 2019
  • 2 min read

MAINIT na laro ang ipi­nakita ni Kanjana Kuthai­song nang tigpasin ng Gene­rika-Ayala ang Sta. Lucia Lady Realtors 25-20, 25-20, 21-25, 25-18, at palawigin ang kanilang winning streak sa Philippine Super Liga Grand Prix kahapon sa FilOil Flying V Centre.

Impresibo si Kuthaisong sa attack zone, binitbit ang Lifesavers para sa ikatlong diretsong panalo sa presti­hiyosong women’s club tourney. Tumapos ang Thai superstar ng 24 puntos, 6 digs at 8 excellent receptions habang ang kababayang si Kseniya Kocyigit ay dumag­dag ng 16 para sa Lifesavers na umibayo sa 4-7 win loss record.

Sinabi ni Generi­ka-Ayala head coach Sher­win Meneses na anuman ang kanilang iskor ay pinaghira­pan nila laban sa Lady Realtors na tumalo sa kanila sa unang round na bakbakan kung saan si Brazilian import Nikolle del Rio ay nagkaroon ng knee injury.

Ang setback na iyon ay nadugtungan pa nang muling matalo sa ika-6 na diretsong laro ang Lifesavers bago muling nakapanalo. “Actually, it started from there,” ayon kay Meneses na ginabayan ang Lifesavers tungo sa semifinal finish ng All-Filipino conference ng nakaraang taon. “But I’m happy that everyone in the team did not give up and slowly we get back up again.” Sina locals Angeli Araneta at Fiola Ceballos ay may 9 at 8 points para sa Generika-Ayala sa laban na inabot ng halos 2 oras.

Tanging si American import Casey Schoenlein ang nagpaangat sa Sta. Lucia sa bisa ng 22 puntos, 19 kills at 2 blocks sa bakbakan ng ESPN5. Masaklap na nakakuha ang Lady Realtors ng ika-4 na diretsong talo nang sumadsad sa 2-9.

Samantala sa JBL Freestyle showdown ng UAAP Streetdance competition ay nakuha ng La Salle Dance Crew na si Zion Hanse M. Wuxinyi ang korona matapos talunin si John Rodwyn B. Cruz ng UE sa finals. Team Standings: Petron 10-0: F2 Logistics 8-2: PLDT Home Fibr 7-5: Cignal 6-6 United VC 5-5: Generika-Ayala 4-7: Sta. Lucia 2-9: Foton 1-9 (MC)

Laro sa Martes: (FilOil Flying V Centre)

2:00 p.m. — Generika-Ayala vs Petron

4:15 p.m. — Cignal vs PLDT

7:00 p.m. — Foton vs United VC

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page