top of page
Pokwang.jpg

Kawatan sa MRT, tiklo

Madel Moratillo
Mar 24, 2019
1 min read

ARESTADO ang isang lalaki matapos mandukot sa loob mismo ng MRT-Ortigas Station sakop ng Bgy. Wack-Wack, Mandaluyong City, kamakalawa ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Mandaluyong City Police, kapwa nakasakay umano sa tren ang suspek na kinilalang si Renante Sol, 30, at ang biktimang si Christopher Marzan, 20.

Pagdating umano sa Ortigas Station, binangga ng suspek ang biktima at nakuha ang iPhone 6 plus nito na nagkakahalaga umano ng P50,000 na nakalagay sa kanang bulsa ng kanyang short. Nakaramdam naman ang biktima at hinabol ang suspek kaya nahulog ang kinuhang cellphone.

Humingi naman ng tulong ang biktima sa security guard ng MRT, na siya namang nagdala sa suspek sa himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page