top of page
Pokwang.jpg

Empleyado ng city hall tinadtad ng kapitbahay

Janice Baricuatro
Mar 24, 2019
1 min read

KRITIKAL ang 37-anyos na empleyado ng munisipyo matapos pagsasaksakin ng kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa Bgy. Ibayo Silangan, Naic, Cavite.

Kinilala ang biktima na si ‘Maricon’, 37, empleyado ng Naic Municipal Hall, residente ng Bgy. Ibayo Estacion, Naic, Cavite.

Arestado naman ang suspek na si Winston Pangilinan, 36, company driver, residente ng Bgy. San Roque, Naic, Cavite.

Batay sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-7:30 ng gabi nang sumakay ng tricycle ang biktima at sinundan ang suspek na sakay din ng tricycle at bumaba sa isang gas station.

Bumaba rin sa tricycle ang suspek para puntahan ang biktima at kinompronta ito hinggil sa isinampang kaso ni ‘Maricon’ na emotional abuse.

Nauwi sa pagtatalo ang dalawa hanggang sa mapikon ang suspek na agad bumunot ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima.

Bumagsak ang biktima na agad itinakbo sa pagamutan na kasalukuyan nang nagpapagaling.

Agad namang nadakma ang papatakas na suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page