Binaril ng riding-in-tandem sa tapat ng bahay | EXECUTIVE ASSISTANT NI BINAY, PUMANAW NA
- Gina Pleñago
- Mar 24, 2019
- 1 min read

HINDI na naisalba pa ang buhay ng executive secretary ni dating Makati City Mayor Jejomar Erwin ‘Junjun’ Binay, Jr. na nilapatan ng lunas matapos itong barilin ng isa sa riding-in-tandem sa harapan ng kanyang bahay, Huwebes ng gabi sa Makati City.
Kinumpirma ito ni dating Mayor Junjun sa kanyang Facebook post at sinabing namatay nitong alas-11:12 Biyernes ng gabi habang nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center ang executive assistant nitong si Monaliza ‘Monette’ Bernardo y Silverio, 44, ng Bgy. Olympia, Makati City, sanhi ng tama ng bala sa kanang kamay na tumagos sa tiyan.
Naglaan naman si dating Vice-President Jejomar Binay ng P1 milyong pabuya sa makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mga suspek.





Comments