BAROMETRO PARA SA SEAG ATHLETES ANG PHL SUPER LEAGUE TABLE TENNIS
- BULGAR

- Mar 24, 2019
- 1 min read

MAGTUTUNGGALI ang mga pinakamahuhusay na table netters sa bansa sa paghataw ng Philippine Super League Grand Prix Table Tennis Championship sa Marso 27-31 sa Lyceum of the Philippines sa Batangas City.
Ayon sa nag-organisang Philippine Table Tennis Federation Inc. (PTTFI) na pinamumunuan ni President Ting Ledesma, ang naturang hatawan at tinagurian ding National Selection 2019 kung saan ay pipiliin dito ang pinakamagagaling na 5 para sa men’s slot gayundin sa distaff side.
Makikipagbakbakan ang mga naging top three men and women sa mga idinaos na Super Leagues na humataw sa buong kapuluan bago ang Batangas City selection na barometro para sa national team na sasabak sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre ng taong kasalukuyan.
Naimbitahang panauhin sa pambungad na seremonya sina Batangas Rep. Vilma Santos, Philippine Olympic Committee president Rickie Vargas at Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez. (MC)





Comments