top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Babaeng nalilito sa pagitan ng susuko na o lalaban pa

ROMA AMOR
Mar 24, 2019
1 min read

Dear Roma,

Jazelyn ang pangalan ko, 29 years old. Hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko ngayon dahil nalilito ako kung susuko o lalaban pa ba ako sa buhay? Nalaman ko ka­sing may malala akong sakit, kaya lang ako ang bread winner sa pamilya namin hindi ko ka­yang iwanan ang aking mga kapatid nang basta-basta na lang dahil nag-aaral pa sila. Sana, ma­payuhan ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin? Ma­raming sala­mat! — Ja­zelyn

Jazelyn,

Nakalulungkot ang pinagdaraanan mo, sis, pero hindi porke may sa­kit ka, eh, ititigil mo na ang pamumuhay nang masaya. Ang maipapayo namin sa iyo ay ang ma­ging matatag ka at ga­win mong lakas ang iyong pamilya upang malaba­nan mo ang iyong nara­ramdaman. ‘Ika nga nila, hangga’t may buhay, may pag-asa, kaya bakit susuko ka na kaagad? Kaya mo ‘yan! Nani­niwala kami na ma­la­lagpasan mo ang pag­subok na kinahaharap mo ngayon. God bless you!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page