top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Anak, wala raw utang na loob, padir na si Kier, inilaglag din… MARJORIE, TAMEME SA BANAT NINA GRETCH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 24, 2019
  • 1 min read

BILANG isang ina, nararapat lang na si Marjorie Barretto na mismo ang magsalita at puma­gitan sa isyu ng anak niyang si Dani at sa dala­wa ni­yang kapatid na sina Gretchen at Claudine.

Inaakusahan ngayong walang utang na loob si Dani dahil nakalimutan na raw nito ang mga naitulong sa kanya ng mga tiyahing sina Greta at Clau nu’ng panahong kapos sila sa pampinansiyal na pangangailangan.

Si Marjorie higit kaninuman ang nakakaalam kung ano talaga ang tunay na kaganapan sa buhay nila no­ong tinutulungan pa sila nina Greta at Claudine.

Hindi niya dapat hayaan na lumala at lumaki pa ang isyung pampamilya. Baka kung ano pang ‘pasa­bog’ ang masabi ni Greta at mauungkat na naman ang nakaraan.

Hindi rin niya dapat hinayaan na nagtanim ng galit at sama ng loob si Dani sa kanyang amang si Kier Legaspi. At napaka-unfair din sa partidos ni Kier ang naging pahayag ni Dani na never siyang natu­lungan ng kanyang ama at sinolo lang ni Marjorie ang pagpapalaki at pagtataguyod sa kanya.

Nakalimot ba agad si Dani sa panahon na nasa poder siya ng mga Legaspi? Sana, nagpakatotoo na lang sa sarili si Dani at hindi nag-emote nang wala sa lugar.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page