top of page

Babala ng experts... LIP BITING, SINTOMAS NG DISORDER!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 24, 2019
  • 1 min read

LAHAT ng tao ay may mannerisms, ‘yung iba nail biting, pagpa­patunog ng mga daliri, facial expression at ma­rami pang iba. Pero, madalas napapansin natin na may mga in­dibidwal na mahilig kagatin ang kanilang mga labi kung saan ito umano ay maituturing ng disorder.

Hala! Weh ‘di, nga?

Ayon sa mga eksperto, min­san ang nagiging dahilan ng pagli-lip bite ay ang pama­ma­raan ng pagsasalita o pagnguya, pero kung ito ay madalas na ninyong ginagawa ng hindi ninyo na­ko­kontrol, posible na isa na itong dis­order.

Sa pag-aaral ng mga dalubhasa, ti­natawag umanong temporomandibu­­lar disorder o TMD ang condi­tion na nakaaapekto sa chewing muscles.

Ang mga taong mayroong TMD ay madalas na kinakagat ang kanilang mga labi, pisngi at dila.

Ang kondisyong ito ay ma­a­agapan sa pamamagitan ng iba’t ibang rekomendasyon ng mga doktor.

Gayunman, ang lip biting ay may koneksiyon din sa psy­cho­logical well-being kung saan ginagawa ang mga ito nang dahil sa painful emotions.

‘Yung tipong kapag may sakit na nararamdaman o kaya ay kinakabahan at naga­galit ang tao ay nagagawa niya ang mga bagay na ito.

Dagdag pa rito, ang chro­nic lip biting ay halimbawa ng body-focused repetitive beha­vior o BFRB.

Kaya ang paalala ng mga dalubhasa, huwag magpakam­pante sa mga bagay na nakasa­nayan na hindi na pala nakabu­buti sa ating kalusugan.

Mainam kung magpapa­konsulta o magtatanong tayo sa mga taong nakapag-aral tung­kol sa partikular na pinagdara­anan natin dahil kapag napa­bayaan natin ito, maaari itong mag­resulta ng hindi maganda.

Oh, ayan, mga beshy, watch out sa inyong mga mannerism dahil baka hindi na ito simple at kinakailangan na ninyong mag­pagamot sa mga doktor.

Be mindful always!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page