top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

9 sasakyan inararo | BEBOT PISAK SA KILLER TRUCK

Levi Gonzales
Mar 24, 2019
1 min read

SIYAM na sasakyan ang inararo ng trak kung saan isa ang nasawi matapos tumilapon mula sa tricycle sa Bgy. Tambo, Lipa City, Batangas.

Pasado alas-9:00 ng umaga, mabilis umano ang takbo ng cargo truck na minamaneho ni Dindo Organo.

Aniya, pabulusok ang kanyang sasakyan nang mawalan ng preno dahilan para mabangga ang siyam na sasakyan kabilang ang tricycle kung saan sakay ang biktimang si Joselyn Aguila, na tumilapon hanggang sa magulungan ng trak saka pa siya pumailalim.

Dead-on-the-spot ang biktima dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Sumuko naman sa pulisya ang driver nito matapos ang malagim na trahedya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page