74-anyos kulong sa mga iligal na baril
- Maeng Santos
- Mar 24, 2019
- 1 min read

ARESTADO ang 74-anyos na lolo matapos makuhanan ng mga hindi lisensiyadong baril sa isinagawang raid ng mga awtoridad sa bisa ng search warrant sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay ang naarestong suspek na si Alberto Bistoc Mariano, 74, ng McArthur Highway, Dalandanan.
Ayon kay Sr. Supt. Poklay, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Maria Nena Santos ng Branch 171, ni-raid ng mga tauhan ng Station Intelligence Branch sa pangunguna ni PCI Jessie Misal sa koordinasyon sa PCP-6 at PCP-7 ang tinitirhan ng suspek.
Narekober ng mga pulis sa suspek ang cal. 9mm pistol na may apat na bala, 12 gauge shotgun at apat na bala nito.
Bago inisyu ang search warrant, una silang nakatanggap ng impormasyon na nag-iingat umano ng hindi mga linsensiyadong baril ang suspek.





Comments