2 tulak na bebot nasakote
ILOILO CITY—Dalawang babaeng drug pushers ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa isang hotel sa La Paz District sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Lovely Sta. Ana at Angie Gemenia, kapwa tubong Negros Occidental.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang pakete ng shabu na nagkakahalagang P250, 000 at P4, 000 markadong pera.
Nakapiit na sina Sta. Ana ay Gemenia na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments