2 bus nagsalpukan 50 nalitson
Jersy Sanchez
Mar 24, 2019
1 min read
DALAWANG pampasaherong bus ang nagbanggaan dahilan para masawi ang 50 katao sa northern Ghana.
Ayon kay Ghana Police Service Spokesman David Eklu, naganap ang aksidente sa main highway ng Kintampo papunta sa Tamale, Ghana.
Sa lakas ng banggaan, umapoy ang mga bus kung saan karamihan sa mga nasawi ay nasunog.
Gayunman, dinala sa pagamutan ang mga nasugutan habang inaasahan din ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi.
Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng insidente.





Comments