top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

16 YR. OLD NUEVO, BRONZE SA WORLD BOWLING JR. C’SHIPS

  • Eddie M. Paez, Jr
  • Mar 24, 2019
  • 2 min read

NAKAHIRIT pa ng isang podium finish ang Pilipinas sa pinakamalupit na event ng kompetisyon upang tuldukan ang isang produktibong kampanya ng bansa sa katatapos na 2019 World Bowling Junior Championships sa palaruan ng Judo Hall sa Paris, France.

Sumandal ang bansa sa tatag ng pulso ng dalagitang si Norel Nuevo, 16-taong-gu­lang, para maibulsa ang isang tansong medalya sa bakbakan sa girls masters ng paligsahang inorganisa ng World Bowling, Maximin Bowling Plaza at Tenpin Bowling Association of France. Pagkatapos ng singles, doubles, mixed team at all events, magaan na nakapasok sa top 24 si Nuevo.

Mula rito, tatlong manlalaro ang nakatikim ng bagsik niya. Sa Masters’ Step 1, dinaig niya si Russian ace Victoria Kashirs­kaya, 2-1, para makaabante sa huling 16 bowlers. Sa Masters’ step 2, tiklop sa kanya ang pam­bato ng Singapore na si Arianne Tay, 2-0. Ang panalo ay nagtulak sa kanya sa quarterfinals kung saan niya dinaig sina Finland gem Mila Nevalainen, 2-1.

Sa semifinals, umuusok pa rin ang Pinay at maagang kinuha ang kalamangan kontra kay Soree Hong ng Korea nang makapag­pa­tumba siya ng 235 na bolilyo laban sa 223 ng karibal. Sa pangalawang laro, nanlamig ang Pinay kaya naisuko nito ang laban, 210-244. Pagpa­sok sa pangatlong laro kung saan 1-1 ang iskor, kinapos na nang tuluyan si Nuevo, 201-222 kaya na­kun­tento na lang siya sa tan­song medalya. Dalawang kinatawan ng Korea ang nangibabaw sa girls’ masters.

Nauna rito, nakadagit din ng bronze me­dal sa girls’ singles event ang kababayang si Grace Gella, 18-anyos, kaya sa pagtata­pos ng torneo sa kabuuan ay may 0-0-2 na medal tally ang Pilipinas. Hindi pinalad na maka­pag-uwi ng kahit anong kulay ng medalya sina Da­nielle Evangelista at Patrick Nuqui sa alinmang boys’ events ng kaganapang nila­hukan lang ng mga deka­libreng kalahok mula sa 35 na bansa at ipinanganak mula Enero 1, 2001 hanggang Disyem­bre 31, 2005.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page