11 LADY BOXERS NG BAGUIO CITY, MALUPET SA 4 GOLD AT 4 SILVER
- BULGAR

- Mar 24, 2019
- 1 min read

CITY OF ILAGAN, Isabela – Ipinakita ng Powerhouse Baguio City ang kanilang tikas sa boxing matapos humakot ng medalya sa huling araw ng 2019 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy Luzon Qualifying leg.
Sumungkit ng medalya ang 11 sa 12 boxers na ipinadala ng Baguio City, kung saan kinolekta ang 4 ginto, 4 pilak at 3 tanso para sa 11 medalya habang pumangalawa ang Benguet na may 12 boxers para sa 2 ginto, 4 pilak at 2 tanso.
Dahil sa mga panalo, muling kumapit sa tuktok ng medal standings ang 2017 Luzon leg at 2018 National champion Baguio City.
Nakalikom ang Baguio City ng 34 gold, 42 silver at 55 bronze medals, laglag sa No. 2 ang Laguna Province na may 34-33-34 (G-S-B). Nagbigay ng ginto para sa Baguio sina Kates Gacad sa Jr. Girls Light flyweight (48k.), Sarah Garwageo sa Jr. Girls flyweight (50kg.), Liezel Chavez sa Jr. Girls Bantamweight (54kg), at Jamie Talewan Jr. sa Jr. Boys Bantamweight (54kg).
Mga humablot ng gold medal para sa Laguna Province sina James Brylle Ballester sa 800m (2:06.2s), sa girls 4x400m at 4x100 relay team nina Janine Dauba, Vita Ruth Belloso, Kyla Elona at Magvrylle Matchino.
Kumalawit din si Rowee Bryan De Luna sa 400m boys at si Andrea Princess Hernandez sa badminton Under-13 singles. Samantala, humakot ng tatlong ginto ang Naga City sa Futsal, nanaig sila sa Under 13 Boys, Under 13 Girls at Under 15 Girls. (ATD)





Comments