GYMNAST DUNGCA, GOLD AT 5 BRONZE SA SPECIAL OLYMPICS WORLD GAMES

HUMAKOT ang mga kinatawan ng Pilipinas ng kabuuang 29 na mga medalya kabilang na ang 9 na ginto sa pagbaba ng telon sa 2019 Special Olympics World Games sa Zayed Sports City ng Abu Dhabi, United Arab Emirates.
Nanguna ang gymnast na si Aive Luzari Dungca sa pangungulekta sa bansa ng karangalan nang mag-uwi ito ng isang ginto sa Level 1 All around at limang tanso (Level 1 Hoop, Level 1 Ball, Level 1 Ribbon, Rythmic Group Floor Exercise at Rythmic Group Hoop) para sa kabuuang anim na medalya. Dahil dito, ang gymnastics delegation ay nagsumite ng 2-0-7 na gold-silver-bronze medal tally.
Lahat naman ng mga manlalaro ng bansa sa athletics, bocce at swimming ay nakapag-uwi ng medalya. Ang apat na kataong athletics team ay may kartadang 1-2-1; ang dalawang pambato sa bocce ay nagpakita ng 1-2-0 na rekord habang ang dalawang mga manlalangoy ay nagbigay ng 1-0-1 na produksiyon.





Comments