top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

VIRTUAL REALITY, LIDER SA D-LEAGUE, DILIMAN COLLEGE, NAKA-2ND WIN NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 23, 2019
  • 2 min read

IGINUPO ng Diliman College-Gerry’s Grill ang SMDC-NU, 82-70 para sa ikalawa nilang panalo sa 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Humabol ang Blue Dragons mula sa 12-puntos na pag­kakaiwan sa first half nang uminit si Joseph Brutas at kumamada ng tatlong sunod na tres upang maitayo ang 76-64 na bentahe.

“I know Brutas for three years now. He’s a young player pero kilala ko ‘yung puso ng batang yan,” pahayag ni Diliman coach Rensy Bajar tungkol kay Brutas na tumapos na may 13 puntos, 5 rebounds at 2 assists.

Tumapos na topscorer si big man Kevin Gandjeto sa nasabing panalo ng Diliman-Gerry’s sa may 16 puntos at 13 rebounds.

Sanhi ng panalo, umangat ang Blue Dragons sa patas na barahang 2-2. “The defense made this win for us,” dagdag pa ni Bajar. “Yun ang sinasabi ko sa kanila lagi. ‘Di kami kilala sa tournament na ‘to but were striving. We want to prove to ourselves that we can compete." Namuno si John Lloyd Clemente para sa winless pa ring SMDC-NU (0-4) sa itinalang 22 puntos at 6 na rebounds.

Sa sumunod na laban, sumalo ang St.Clare College-Virtual Reality sa liderato ng Aspirants Group, makaraang igupo ang Family Mart-Enderun, 71-64.

Ipinoste ng Saints ang ika-4 na sunod na panalo para tumabla sa UST sa pamumuno sa kanilang grupo. “Bonus na lang yung record,” wika ni St. Clare head coach Jinino Manansala. “Goal namin makapunta kami sa Top Four, and from there, talagang giyera na yan. Mas pagbubutihin namin sa mga ensayo. Ayokong magrelax kami.”

Pinangunahan ni Irvin Palencia ang panalo ng St. Clare sa itinala nitong 16 puntos, 4 rebounds at 4 ding assist. “First half, medyo nanlambot kami, pero ‘yung gusto namin na we get the ball, then attack, ginawa nila kaya maganda tapos ng game namin,” ayon pa kay Manansala.

Nag-iisa si Joseph Kouakoa na nagtapos na may double-digit para sa Family Mart-Enderun sa iniskor na 11 puntos bago siya naupo at ‘di na natapos ang laro pagkaraang magtamo ng ankle injury sa third quarter. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page