Trike driver, nangholdap ng pasahero

Tinangay ng tricycle driver ang pera at mamahaling cellphone ng kanyang pasahero sa Bgy. San Roque, San Pablo City, Laguna.
Sa ulat, alas-4:20 ng hapon, sumakay umano sa isang tricycle ang biktimang si Monica Dizon, nasa hustong gulang.
Habang tumatakbo ang tricycle ng hindi pa nakikilalang suspek, bigla umano itong huminto sa hindi mataong lugar saka siya tinutukan ng patalim.
Nagdeklara umano ito ng holdap at mabilis na tinangay ang dala nitong bag na may lamang mamahaling cellphone, pera at iba pang gamit saka siya iniwan at tumakas patungo sa Colago Avenue.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente na umano’y modus ng ilang tricycle driver sa naturang lugar.





Comments