top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa paglustay ng P38 milyong pondo | EX-GOV. AMPATUAN, GUILTY

  • V. Reyes
  • Mar 23, 2019
  • 1 min read

GUILTY ang hatol ng Sandiganbayan kay dating Maguindanao Governor Sajid Ampatuan na nahaharap sa mga kasong katiwalian.

Sinentensiyahan ng 4th Division ng Anti-Graft Court si Ampatuan ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakapiit at diskuwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Kaugnay ito sa kanyang kinahaharap na isang count ng kasong graft at malversation of public funds at 63 counts ng falsification of public documents dahil sa paglustay ng P38 milyong pondo ng gobyerno noong 2009.

May kinalaman ang mga kaso sa pagbili ng mga construction material noong siya pa ang nakaupo bilang gobernador ng lalawigan.

Pinagmumulta rin ng P35.7 milyon sina Ampatuan at dating ARMM Bids and Awards Committee Member Ali Abpi Haj na idinadawit sa kaso.

Para sa pansamantalang paglaya habang iniaapela sa korte ang desisyon, pinayagang magmulta ng P1.58 milyon bawat isa sina Ampatuan at Abpi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page