LADY BULLDOGS SA LAST FINAL 4, FALCONS, HAHAMUNIN SA SEMIS
- BULGAR

- Mar 23, 2019
- 2 min read

TINALO ng National University ang University of the Philippines, 4-2, para maangkin ang pang-apat at huling Final Four slot sa UAAP Season 81 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Pinatungtong ni Pearly Joy Lorca si Leila Tarroza sa home base sa ibabaw ng 6th inning na nagbigay ng kalamangan sa Lady Bulldogs, 3-2 bago siya umiskor ng isang run upang tiyakin ang panalo ng NU.
Makatatapat ng NU ang defending 8-time champion Adamson University sa semifinals na magsisimula ngayong araw ng Sabado.
Magtutuos naman sa isa pang semifinals pairings ang No. 2 De La Salle at No. 3 University of Santo Tomas.
Sa baseball, naitakda ng Ateneo de Manila ang pagtutuos nila ng archrival nilang De La Salle sa Finals makaraang ungusan ang University of Santo Tomas, 11-10, noong Miyerkules.
Nagdeliver sina Rodrigo Bitong at Kiko Andaya sa huling dalawang innings at binura ang 10-8 na kalamangan ng Tigers at inihatid ang Blue Eagles sa kanilang come-from-behind win.
Huling naglaban ang dalawang koponan sa finals noong 2016 kung saan tinapos ng Green Batters ang 13-year title drought sa pamamagitan ng 2-0 Finals sweep kontra Eagles. “It was not easy, especially (since) there are a lot of personalities in this team,” wika ni Ateneo first year coach Bocc Bernardo. “It was the discipline of the team that led us to this moment. I’m just happy to be back in the Finals and we’ll take it from there.”
“We just told them that UST will not give us this game on a silver platter – we need to work hard for it. And they gave us a good fight. It’s really about school pride and the dignity of the team,” dagdag nito.
Uumpisahan ang best-of-three championship ng dalawang koponan sa Marso 29. (VA)





Comments