top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kelot pinagtataga ng kapitbahay

  • Levi Gonzales
  • Mar 23, 2019
  • 1 min read

DEDBOL ang isang lalaki matapos pagtatagain sa dibdib ng kanyang kapitbahay sa Bgy. Montecillo, Sariaya, Quezon.

Sa imbestigasyon, ala-1:15 ng hapon, nagpapahinga sa labas ng tahanan ng kanyang anak ang suspek na si Renato Mendoza, 57, magsasaka, nang biglang dumating ang biktimang si Andres Fabre, 56, na lango sa alak.

Agad umano nitong hinataw ang mukha ng suspek gamit ang kalaykay dahilan upang kumuha ng itak saka limang beses na pinagtataga sa katawan ang biktima.

Mabilis naman itong tumakas habang binawian ng buhay si Fabre.

Patuloy pang inaalam ang dahilan ng nasabing krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page