Kelot nagbigti sa banyo
Pabs Hernandez III
Mar 23, 2019
1 min read
PANGASINAN—Isang 24-anyos na binata ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa loob ng banyo ng kanilang bahay, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Manaoag sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si John Bryan Salayug, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na ilang kamag-anak ni Salayug ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng biktima sa loob ng kanilang banyo.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.





Comments