Kaya tiis-tiis lang daw sa pagkasilaw, besh! 5 BENEFITS NG SINAG NG ARAW, ALAMIN!
- Justine Daguno
- Mar 23, 2019
- 2 min read

SOBRANG init abot hanggang singit!
Dahil official na ang “summer season”, truly na damang-dama na natin ang super init na panahon, ‘yung feeling na hindi ka pa nakararating sa pupuntahan mo, eh, haggard ka na talaga, kaloka!
Gayunman, good news dahil hindi lang naman haggardness ang dulot ng sun exposure sa atin dahil ayon sa ilang pag-aaral, napakaraming mabuting benepisyo ang maibibigay sa atin ng sunshine o sinag ng araw. So, para sa mga beshy natin na madalas ma-‘expose’ riyan sa init ng araw, narito ang ilang health benefits nito sa atin:
1. BETTER MOOD. Ayon sa ilang research, ang sunlight ay nakapagre-release ng serotonin at endorphins, ito ang mga hormone na nakapagbibigay sa atin ng happier mood, less depression at overall calm. Mapapansin natin na kahit init na init na ang ating pakiramdam ay medyo oks pa rin ang mood natin, ayos!
2. DEEPER SLEEP. Bukod sa serotonin, nakatutulong din ang sun exposure sa umaga na magkaroon tayo ng magandang feeling para matulog sa gabi kung saan mahimbing at malalim ang dulot nito sa ating pagtulog. Kaya naman, sa mga hirap makatulog diyan, isa ang pagpapaaraw sa mga dapat ninyong gawin, ganern!
3. REDUCED RISK OF SOME CANCERS. Lahat ng bawal ay masama, kaya ang sobrang pagka-expose sa init ng araw ay malaki ang chance na magkaroon ng skin cancer, pero kapag moderate o tamang tantiya, malaki ang maitutulong ng sun exposure upang mabawasan ang panganib ng tao na magkaroon ng iba’t ibang uri ng kanser tulad ng colorectal, prostate at breast cancer. Siyempre dahil ito sa Vitamin D, aprub!
4. STRONGER BONES. Bongga talaga ang Vitamin D na nakukuha natin sa pagbibilad sa araw dahil malaki rin ang benefits nito para sa ating mga buto. Ayon sa ilang pag-aral, sobrang importante ng bitaminang ito dahil napalalakas at napatitibay nito ang ating mga buto. Kaya ang payo ng mga expert, para sa mga magulang, ugaliin nating ilabas si baby para paarawan, gayundin ang mga matatanda upang maiwasan ang sobrang pagiging marupok ng kanilang mga buto. Dagdag pa rito, mas makabubuti umano ng sun exposure sa pagitan ng alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga dahil ang sun rays sa mga oras na ito ang pinaka-healthy, okidoki?
5. HELPS REDUCE WEIGHT. Knows ba ninyo na puwede nating ma-achieve ang “summer body” at tan skin ng sabay? Mukhang malabo, pero posible ito, beshy! Ayon sa research, kapag mas nae-expose tayo sa init ng araw ay nakakukuha tayo ng iba’t ibang bitamina mula rito na nakatutulong para mabawasan ang timbang ng indibidwal. Gayunman, ang payo ng mga eksperto, mas magiging epektibo ang pagpapapayat kung sasabayan ito ng proper exercise at diet. Alam n’yo na, mga beshy, ha?
Tandaan, na bagama’t, mayroong magagandang benepisyo ang init ng araw, dapat maging responsable tayo dahil posibleng imbes na good, eh, maging bad ang maidulot nito sa atin. Gets mo?




Comments