top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | MARSO 23, 2019 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 23, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 23, 2019 (Sabado): Mabilis ka kung magpasya, sa big­lang tingin, hindi ito ma­ganda, pero ito ang susi para yumaman at lumi­gaya ka.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Masuwerte ka ngayon sa larangan ng negosyo. Huwag mong sayangin ang magandang balitang ito, tutukan mo ang iyong pinagkakaki­taan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lot­to-8-10-13-28-34-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ingatan mo ang ma­haba at ma­bilis na pag­sasalita, ma­laki ang tsan­sa na may masabi ka na hindi dapat malaman ng iyong ka­pwa. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-16-18-20-21.

GEMINI (May 21- June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Sinupin at pahalagahan mo ang mga biyayang ma­pasasaiyo. Hu­wag kang patatangay sa saya at wa­lang kuwen­tang paggas­tos. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lot­to-17-23-26-33-35-43.

CANCER (June 21- July 22) - Malaki ang tsansa na matalo ka ng iyong damdamin. Kung sakaling hindi gumana ang iyong isip, huwag kang mas­yadong mag-alala dahil pansamantala lang na­man ito. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-5-15-24-29-32-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nag­daratingan sa kasalukuyan ang maliliit at malalaking suwerte mo. Wa­­lang magagawa ang mga lihim at lantad mong kaaway kundi ang sumu­ko. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-12-14-22-26-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Napakatalas ngayon ng iyong isip, ang mga mabibilis na sikreto ng pag­­papayaman ay maiisip mo. Kung kaya mo ay la­kipan mo ito ng kauku­lang pagkilos nang sa ga­yun ay mabilis kang yu­maman. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-6-25-30-31-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napakalakas ng likas mong gayuma nga­yon, sa biglang tingin ito ay nakatutuwa at magan­dang balita, pero pinag-iingat ka dahil maaakit mo maging ang mga ta­ong walang karapatan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-20-27-28-30.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Liligaya ka at kaka­ibang saya at ginhawa ang mapasa­sa­iyo. Malaya mong maiha­hayag ang laman ng iyong kalooban. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-9-14-18-21-27-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapasu­sunod mo ang kahit na sino dahil sa magaganda mong paliwanag. Kahit sobrang tigas ng iyong ulo ay wa­lang magagawa ang ibang tao kundi ang maniwala sa iyo. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-8-13-19-28-39-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kusang lalapit sa iyo ang mga su­werte. Nakatutuwa ang ba­litang ito ng iyong ka­palaran. Puwedeng hindi ka maniwala, pero ak­tuwal na lalapit sa iyo ang mga suwerte mo. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-19-23-28-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakai­bang sigla ang mapasasaiyo kaya parang hindi ka ma­pakali. Ito ay malinaw na senyales na ang maga­gan­dang kapalaran ay magsisimula ng magdati­ngan sa iyong buhay. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-16-17-24-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gusto mong pumunta sa malayo, pero kung hindi mo ito magawa ngayon, tiyakin mong ma­gagawa mo ito sa ibang araw dahil ito ang kondis­yon para gumanda ang bu­hay mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-11-18-20-27-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page