Facebook umamin | PASSWORD NG USERS, NABULGAR
UMAMIN ang social media giant na Facebook na nabasa ng kanilang mga empleyado ang password ng ilang milyong users nito.
Ito ay matapos mailagay ang nasabing mga password sa plain text sa kanilang internal servers.
Gayunman, ayon sa kumpanya, hindi pa nailalabas sa kanilang opisina ang mga password dahil wala umanong ebidensiya na inabuso ito.
Ayon kay Vice-President of Engineering, security at privacy ng Facebook na si Pedro Canahauti, nadiskubre ang problema nang magsagawa sila ng routine security review.





Comments