Bumibiyahe sa EDSA, 30 sakay | BUS NAGLIYAB, SUMABOG

NASUNOG ang isang bus ng VTSC na may plakang TXD 274 sa bahagi ng EDSA-Shaw tunnel north bound sa Mandaluyong City.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, nagsimula ang sunog alas-6:10 ng gabi at naapula ito alas-7:20 ng gabi.
Ligtas naman ang mahigit 30 pasahero ng bus maging ang driver at konduktor nito.
Nakalabas aniya silang lahat bago lumiyab at sumabog ang nasabing bus.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring sunog at kung saan ito nagsimula.





Comments