Aso tumawid, hindi nakaiwas | MISTER SUMEMPLANG, TODAS

PATAY ang isang mister makaraang sumemplang ang minamanehong motorsiklo, kamakalawa, sa Bgy. Palaming, San Carlos City, Pangasinan.
Nakilala ang biktima na si Roger Serano, nasa hustong gulang, may asawa at naninirahan sa nabanggit ding lugar.
Batay sa impormasyon, dakong hapon, sakay ng motorsiklo at papauwi na galing sa trabaho ang biktima nang hindi nito naiwasan ang tumawid na aso kaya sumemplang ito na nagresulta sa pagkakabagok ng ulo.
Gayunman, agad isinugod sa ospital si Serano ngunit, binawian din ito ng buhay dahil sa pinsalang tinamo sa ulo.





Comments