2 patay, 3 sugatan sa aksidente
ILOCOS NORTE—Dalawa katao ang namatay at tatlong iba pa ang nasugatan nang aksidenteng bumangga sa poste ang kinalululanan nilang SUV, kamakalawa sa Bgy. Pragata, Pasuquin sa lalawigang ito.
Ang mga nasawi ay sina Edmundo Maritillano at Josephine Moises, samantalang, kinikilala pa ang tatlong nasugatan na pawang residente ng Isabela.
Ayon sa ulat, habang lulan sina Maritillano at Moises at tatlo pang biktima sa SUV na minamaneho ni Novelito Abaya ay nawalan ng kontrol ang sasakyan kaya bumangga ito sa poste.
Agad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sina Maritillano at Moises.





Comments